_

Pilipinas, kaya natin 'to! VOTE VIGAN CITY! #New7Wonders CITIES

Monday, January 21, 2013

3 barko hinarang dahil sa magnitite sand mining

Tatlong barko ang pinatigil ng Philippine Coast Guard (PCG) na maghakot ng magnetite black sand sa karagatang bahagi ng bayan ng Caoayan sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Hung Long 14. Nangalap ng impormasyon ang CEGP-Ilocos Chairperson sa Caoayan noong Oktubre 22, 2012.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo La Union kay Lt. Jomark Angue, operation officer ng PCG North Luzon District na nakabase sa lungsod ng San Fernando, La Union, sinabi nito na nabigo umanong magpakita ng kanilang kaukulang dokumento at permits ang tatlong barko na nasa pangangasiwa ng Isla Verde Mining and Development Corporation.

Ang mga barkong Tommy 101, Hung Long 14, at Hung Long 15 ay nasa karagatan pa rin ngayon ng Caoayan at binigyan ng PCG ng panahon ang mga ito na mailabas ang kanilang mga legal na dokumento sa isinasagawang pagmimina ng magnitite black sand sa lugar.

Ayon kay Angue, kung mabibigong maipakita ang mga naturang dokumento ay tutuluyan na nilang sasampahan ng kaso ang nangangasiwa sa pagmimina.

Sinasabi na maraming residente na naninirahan sa mga coastal barangays ng lalawigan ng Ilocos ang nagrereklamo sa umano'y talamak ng magnitite black sand mining dahil sa nilalamon ng tubig-dagat ang kanilang mga lote at nasisira ang kabuhayan.

Narito ang video na in-upload ni Paul Michael Jaramillo, CEPG-Ilocos Chair, sa YouTube:



 


Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

The Blog of Innocence: SilentVoice Points is accepting works and articles - news on our nation and the world, social issues, environment, advocacy, entertainment, trending issues and events, history, literature, reviews, travel, science and technology and discoveries. We reserve the right to edit and not to publish articles for reasons of libel and ethics. To submit, email us at silentvoicepoints@yahoo.com. Share your own stories now! 

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us! 

0 comments:

Post a Comment

Follow by Email

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More